Dating nagtatrabaho bilang chief cook sa barko ang 58-anyos na si Danilo de Leon ng Old Sta. Mesa, Manila. Bilang seaman, marami-raming bansa na rin daw ang kanyang napuntahan.
Subalit nito lamang 2019, hindi na raw muling nakasampa ng barko si Danilo buhat nang magkaroon siya ng sakit sa puso.
Nang magpakonsulta sa doktor, nadiskubre na may coronary artery disease si Danilo kung saan tatlong ugat ang barado sa kanyang puso.
Paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga, ito raw ang kadalasang inirereklamo ni Danilo sa tuwing sumusumpong ang kanyang sakit.
Ayon sa isang cardiologist, ang coronary artery disease o ang pagbabara sa ugat ng puso ay kadalasang dulot daw ng mataas na kolesterol mula sa mga matatabang pagkain.
Ang pagkakaroon din daw ng hindi kontroladong hypertension at diabetes ay iilan sa mga sanhi ng sakit na ito. Kapag hindi raw ito naagapan, maaari itong humantong sa heart attack o atake sa puso.
Samantala, aminado naman si Danilo na hindi maganda ang kanyang naging lifestyle sa barko. Bukod sa nakakapagod na trabaho, madalas din daw silang umiinom ng alak ng kanyang mga katrabaho.
“Sa amin po sa barko sa araw-araw naming buhay dun, trabaho, kain, tulog. Napapainom din kami sa barko para pampalipas ng oras,” wika ni Danilo.
“Siguro dahil po dun kaya rin ako nagkaroon ng highblood at diabetes,” dagdag nito
Kaya naman payo ng espesyalista upang makaiwas sa coronary artery disease:
“kontrolin ang mga risk factors tulad ng hypertension, diabetes at mataas na kolesterol. Bukod dito, inumin ang inyong mga gamot. Higit sa lahat, ugaliing magkonsulta sa doktor,” ani nito.
Hindi man pinalad si Danilo na muling malibot ang mundo, itinutuon naman daw nito ngayon ang kanyang atensyon sa pagiging isang courier rider.
Mas inaalagaan narin daw niya ang kanyang sarili sa tulong at payo ng kanyang mga doktor. Aniya, sa kabila ng lahat ng problema, mananatiling positibo parin ang kanyang pananaw sa buhay.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.