Mahigit isang buwan ang magiging preparasyon ng Senado bago isalang ang pag-busisi sa House Bill 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF) na lumusot na sa final reading ng Kamara kahapon, Dec. 15.
Dahil naka-adjourn na ang Senado simula kahapon para sa tradisyunal na Christmas break, magbabalik ang sesyon ng Mataas na Kapulungan sa ganap na alas-3:01 ng hapon sa January 23, 2023.
Tiniyak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na pag-aaralan nilang mabuti ang HB 6608 habang naka-Christmas break ang Senado, lalo’t sinertipikahan itong urgent bill ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Villanueva, siguradong sasapat ang mahigit isang buwang bakasyon ng mga senador para makapag muni-muni at mapag-aralang mabuti ang konteksto at hangarin ng Maharlika sovereign wealth fund.
Sinabi ni Villanueva na siguradong dadaan sa masusing deliberasyon at debate sa Senado ang laman ng HB 6608 bago ito lumusot sa susunod na hakbang.
Iginiit ni Villanueva na suportado niya ang ideya ng pagtatatag ng isang sovereign investment fund, pero kailangan aniya na may sapat na hakbang para maprotektahan ang paggamit sa pondo nito.
Sa kabila nito, sinabi ng senador na hindi naman lulusot ang panukala kung ibabase lamang ito sa kanyang personal na pananaw.
Bandang huli aniya, pagdedesisyunan pa rin ito ng buong kapulungan ng Senado bago umusad ang panukala.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.