Ang hika o asthma ay isang karamdaman kung saan namamaga at naninikip ang daanan ng hangin sa ating respiratory system. Ang kadalasang mga sintomas ng sakit na ito ay hirap sa paghinga, pagkahingal, paninikip ng dibdib at pag ubo.
Ayon sa World Health Organization (WHO), dose porsyento (12%) ng populasyon sa Pilipinas ay pinahihirapan ng sakit na asthma.
Isa na rito ang 46-anyos na si Josephine Lazaro ng Sta. Maria, Bulacan.
Ayon kay Josephine, dalawang dekada raw siyang nagtrabaho noon bilang factory worker sa pagawaan ng sinulid. Aniya, madalas daw siyang makalanghap ng bulak noon sa loob ng pabrika.
“Siguro doon ko nakuha yung asthma ko kasi nalalanghap ko parin yung mga bulak kahit naka-face mask ako,” ani Josephine.
Minsan narin daw isinugod sa ospital si Josephine dahil sa tindi ng atake ng kanyang asthma.
“Ang pakiramdam ko noon hindi talaga ako makahinga. Hinahabol ko yung hininga ko. 7 days akong na-confine sa ospital,” kwento ng ginang.
Dahil sa pabalik balik na asthma, napilitang tumigil sa trabaho si Josephine at itinuon na lamang ang kanyang atensyon sa mga gawaing bahay.
Ayon sa isang pulmonologist, ang asthma ay maaaring namamana o genetic. Bukod dito, iilan din sa mga sanhi nito ay matinding polusyon, alikabok, at mga allergens na maaaring malanghap mula sa kapaligiran.
“They have to know their triggers. Minsan sa pagkain o di kaya naman exposure sa environment. Maaari rin sa klase ng trabaho na mayroon sila,” saad ng doktor.
Pinapayuhan din ang mga pasyente na gumamit ng mga inhalers bilang pangunahing rescue medication kung ito ay aatake. Paalala ng espesyalista, ang asthma ay nakamamatay kung hindi maaagapan.
“Mahalagang inumin ang mga gamot para maiwasan ang mga untoward long term effects ng asthma,” payo ng doktor.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.