Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang umikot ngayong araw, Dec. 17, sa mga Kadiwa markets upang siguruhin na hindi mauubusan ng supply ng bigas na ibinebenta sa halagang P25 kada kilo.
Pinangunahan din ng Pangulo ang pag-inspeksyon sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City para personal na alamin ang kondisyon ng buffer stock ng bigas.
“May mga nagtanong, ‘yung supply ng Kadiwa ay baka mapatid, baka magkulang daw. Kaya’t titignan ko kung saan nanggagaling ‘yung supply na ipinagbibili natin sa mga Kadiwa. So pinuntahan ko na muna. Mukhang may laman naman ‘yung mga warehouse at mayroong parating pa nga,” anang Pangulo.
Ani Marcos, posibleng madagdagan pa ang stock ng NFA sa mga susunod na araw dahil nagsisimula nang mag-ani ang mga magsasaka.
“This is already the season na naglalabas na ng bigas. So tuloy-tuloy na siguro ito kaya para naman natitiyak natin na ‘yung Kadiwa ay hindi mauubusan ng commodities na ipagbibili, ‘yan yung 25 pesos (per kilo).”
Ipinagmalaki din ng Pangulo na nasa 350 Kadiwa stalls na ang nabubuksan sa buong bansa.
“Itong Kadiwa, hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makabili ng mas mababang presyo. Nabibigyan din natin ng pagkakataon ang mga local producer at mga magsasaka natin na mabili ang mga produkto nila,” giit ng Pangulo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.