Sapat na bang dahilan para akusahan ang isang menor de edad na magnanakaw kung hindi naman ito naaktuhan?
Sa isang reklamo na natanggap ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo, isang ina ang humihingi ng tulong dahil na-bully at na-trauma daw ang kanyang 12-anyos na anak matapos pagbintangang magnanakaw at ipinost pa sa social media.
Bagamat hindi daw binanggit ang pangalan ng kanyang anak ay nakita raw ang mukha ng bata sa CCTV video na ipinost ng isang netizen.
Sa kagustuhan ng ina na managot ang taong nagakusa sa social media na magnanakaw ang kanyang anak, sumangguni ang BITAG sa aming resident lawyer na si Atty. Melanio Batas Mauricio.
Ayon kay Atty. Batas, protektado ng batas ang karapatan at kapakanan ng mga menor de ead, kahit na “children in conflict with the law” pa ang mga ito.
Ani ni Atty. Batas, “sa kasalukuyang panahon, meron tayong REPUBLIC ACT 7610 ANTI-CHILD ABUSE. Hindi po pwedeng gawan ng anumang bagay, hindi pwedeng sabihan ng anumang salita at hindi pwedeng isalarawan sa anumang kaparaanan na makakasama sa mga batang menor-de-edad 17 years old and below.”
Bukod sa kasong paglabag sa R.A 7610, may bukod pang kasong kakaharapin ang sinumang magpopost sa social media sa mga kabataang nalalagay sa alanganin.
Atty. Batas: “Hiwalay po ang kaso ng CHILD ABUSE po doon po sa CYBERCRIME LAW REPUBLIC ACT 10175. Kung meron pong paninirang puri laban sa sinuman at patrikular sa mga kabataan yan po ay maaraing masampahan ng kasong cyber libel”
Dagdag ni Atty. Batas, hindi porket walang pangalan ang post ay wala ng pananagutan ang inirereklamo.
Atty. Batas: “Hindi ho tama yung pananaw na hindi pinangalanan. The mere fact na meron pong kaparaanan upang kilalanin kung sino yang menor-de-edad na sangkot sa post na ‘yan, medyo may problema po tayo dyan”
“Bawat araw na nakapost yan, if hiwalay na krimen na cybercrime o cyber libel yan. Halimbawa, tatlumpung araw na nakapost sa isang buwan. Tatlumpong kaso ng cyber libel ang pwedeng ipataw …mabigat na kaso po ‘yan”
Para sa buong paliwanag ni Atty.Melanio “BATAS” Mauricio ukol sa kasong ito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.