Nakaraang Disyembre 7, 2022, isang magandang balita ang ipinaabot sa BITAG ng 77-anyos na si Jaime Nabor at kanyang anak na si Vivian Mondin.
Binayaran na umano sila ng kumpanyang Philtranco matapos sumalpok sa kanilang bahay ang isa sa mga bus nito sa San Isidro, Northern Samar.
Ayon kay Vivian Mondin, naging matiwasay ang pakikipag-usap nila sa Philtranco at nagkasundo sa halagang 50,000 piso bilang bayad sa nasirang parte ng kanilang bahay.
“Gusto lang po naming magpasalamat sa kay Sir Ben at sa BITAG dahil natulungan po kami na mabayaran ang pagbangga ng PHILTRANCO sa aming bahay. Maiaayos na namin ang nasirang bahay, hindi na po babaha at wala ng tutulong tubig tuwing umuulan. Nagkapatawaran na po kami at humingi na po sila ng dispensa sa nangyari. Salamat po ulit.” pahayag ng anak na si Mondin.
Personal daw na inabot ng General manager ng Philtranco ang cheke sa mag-ama matapos ang kanilang paghaharap sa programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo.
Matatandaang sa investigative public service program na Pambang Sumbungan: #ipaBITAGmo lumapit ang mag-asawang senior citizen dahil tila binabalewala umano sila ng management ng Philtranco pagkatapos mawasak ang parte ng kanilang bahay dull ng pagkakasalpok ng isang provincial bus nito.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, dahil sa madulas na daan hindi raw nakontrol ng driver ang manibela ng bus kaya ito’y sumalpok sa bahay ng mag-asawang Nabor.
Nagpasaklolo ang mag-asawang Nabor sa nasabing programa na pinangungunahan ni Ben Tulfo upang habulin ang kumpanya ng bus na sumasaga sa kanilang bahay.
Balikan ang buong detalye ng sumbong ni Jaime sa #ipaBITAGmo, panuorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.