Personal na naghatid ng pamaskong handog si Vice President Sara Duterte sa mga katutubong Dumagat sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan kahapon, Dec. 18.
Naging madamdamin ang paghahatid ng food packs ng Office of the Vice President (OVP) dahil sa rebelasyon ng mga katutubo.
Kwento ng isang lider ng grupo, si Duterte ang kauna-unahang politiko na bumalik sa kanilang lugar pagkatapos ng halalan.
Ayon kay Jimmy Cruz, dating chieftain ng mga katutubo, ang ipinapakitang pagmamahal ng Bise Presidente sa mga Dumagat ay magsisilbing inspirasyon para muling magtiwala ang mga maliliit na mamamayan sa mga pangako tuwing halalan.
“Simula nang ako’y magkaisip, hanggang ngayon, siya lang po ang nakikita naming na pumunta sa aming mga katutubong Dumagat,” wika ni Cruz.
Mismong si Duterte ang nag-abot ng “Pamasko packs” sa 400 Dumagat na residente ng Brgy. Kalawakan. Ang barangay na ito ay dating binisita ni Duterte noong kampanya.
Paliwanag ng Bise Presidente, ang muli nilang pag-iikot sa mga lugar na dinaluhan nila noong campaign elections ay bahagi ng programang “Balik Pasasalamat” ng OVP.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Duterte na dapat isabuhay ang tunay na diwa ng Pasko tulad ng pagpapalaganap ng pagmamahalan, pagpapatawad, at pagbibigayan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.