• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
NASIRANG BAHAY NI LOLO AT LOLA, BAYAD NA NG PHILTRANCO!
December 18, 2022
2 DAYUHAN NAG-ALOK NG PEKENG DOLYAR SA PARAK, TIMBOG!
December 19, 2022

MGA BASTOS NA ONLINE PAUTANG, MALUWAG PA ANG KULUNGAN! – BITAG

December 19, 2022
Categories
  • Bitag Exclusives
  • Metro News
Tags
  • Bitag Exclusives
  • Metro News

Isang online lending application (OLA) na ang nasampolan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) sa lungsod ng Maynila, pero marami pa ang susunod na mabibitag ayon sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, ang investigative public service program ng BITAG Multimedia Network (BMN). 

Sa news and analysis program na BITAG Live! ng veteran media personality na si Ben “BITAG” Tulfo, binalaan nito ang mga bastos, arogante, nananakot at mga namamahiyang kolektor ng online lending apps.

Ayon kay BITAG, patikim pa lamang ang ginawang pagsalakay ng Eastern Police District Anti-Crime Group (EPD-ACG) sa opisina ng Suncash Lending Investors Corporation sa Sampaloc, Maynila na isinagawa noong nakaraang linggo para bigyang babala ang iba pang mga nananakot at namamahiyang lending collectors.

Marami nang reklamo ng pamamahiya at pananakot sa mga kliyente ng OLA ang hinawakan at inaksyunan ng #ipaBITAGmo. Isa rito ang sumbong ng empleyado ng Davao City Hall na si Roseville Montaire.

Ipinadala ni Montaire sa #ipaBITAGmo ang aktuwal na audio recording ng panggigipit, pagmumura, pamamahiya at pananakot sa kanya ng isang Suncash online lending collector. 

Ikinasa ng EPD-ACG kasama ang BITAG Multimedia Network ang isang operasyon para tuldukan ang pambu-brusko ng Suncash sa kanilang mga kliyente.

Dalawang buwang minanmanan ng EPD-ACG ang operasyon ng Suncash dahil sa sumbong ng sampung biktima na nakaranas ng panggigipit at pananakot mula sa mga arogante at siga-sigaang credit collector ng kumpanya.

Matagumpay na naisagawa ng EPD-ACG noong December 9, 2022 ang undercover operation kasama ang investigative team ng BITAG.

Sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Karla Regina Valera-Chua ng Makati City Regional Trial Court (RTC), binitbit ng operatiba ang 83 staff at opisyal ng Suncash Lending at dinala sa Camp Crame.

Nagbigay din ng P50,000 pabuya ang BITAG Multimedia Network sa mga tauhan ng EPD-ACG sa matagumpay na pagbuwag sa operasyon ng Suncash Lending Investors Corp.

Babala ni BITAG sa mga arogante, bastos at mga nananakot na online lending agencies, “Maluwag pa ang kulungan…. marami pa ang mga susunod na ma-sa-sakote!”

Ang maaksyong pagtutok at pag-aksyon ng long running investigative public service program na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, panoorin:

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved