Unti-unti nang lumilikha ng ingay sa mundo ng boksing ang undefeated Filipino boxer na si Carl Jammes “Wonderboy” Martin, ito’y matapos patulugin sa ibabaw ng lona ang nakalaban nitong Thai boxer noong Sabado sa La Trinidad, Benguet.
Wagi si Martin via stunning technical knockout (TKO) kontra sa pambato ng Thailand na si Komgrich Nantapech.
Tinanghal ang 23-years-old Pinoy slugger bilang IBF Pan Pacific Super Bantamweight Champion.
Unang round pa lang ng suntukan, agad nagpakawala ng mabibigat na kombinasyon si Martin laban sa mas magulang at mas siksik na si Nantapech.
Bumagsak sa unang round ang 33-anyos na Thai boxer pero nakarekober ito sa sunod-sunod na pakawala ng pamatay na suntok ni Martin.
Pagsapit ng round 2, tatlong mabibigat na kombinasyon ang binitawan ni Martin sa kalaban, dahilan para muli itong bumagsak. Binilangan ito ng referee, pero agad itong tumayo.
Dahil halatang kapos na sa hangin ang Thai boxer, hindi na ito nilubayan ni Martin ng multiple combination at natapos ang laban via TKO sa ika-2:36 minuto ng round two.
Winakasan ni Martin ang siyam na winning streak ni Nantapech kung saan nakatikim muli ito ng pagkatalo sa loob ng limang taon.
Sa kasalukuyan, may malinis na kartadang 21-0 ang Pinoy slugger; 17 dito sa pamamagitan ng knockout.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.