Walang nakikitang surge o posibilidad ng pagsipa ng Covid-19 cases sa bansa habang papalapit ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong linggo, base sa analysis at assessment ng OCTA Research.
Katunayan, tuloy-tuloy umano ang nakikitang pagbaba ng positivity rate ng Covid sa malaking bahagi ng bansa ngayong Christmas week.
Sa panayam ng Laging Handa Public Briefing ngayong araw (Dec. 19) kay Dr. Guido David ng OCTA Research, sinabi nito na malaki ang posibilidad na magkaroon ng ligtas at payapang Pasko ang mga Pinoy.
Hindi katulad ng mga nakaraang taon, mas mababa na aniya ang hawaan at positivity rate habang papalapit ang Pasko.
Sa Metro Manila, patuloy na bumababa ang positivity rate ng Covid-19 mula sa dating 14.4%, nasa 13.9% na lamang ito.
“Patapos na yung wave at lumalakas na yung ating wall of immunity dahil patuloy yung ating vaccination,” wika ni David.
Isa pa sa nakikitang dahilan ng grupo kung bakit bumababa ang hawaan ng Covid sa bansa ay dahil sa responsableng paggamit ng face mask ng publiko kahit optional na lamang ang paggamit nito.
“Isa pa sa nakikita nating dahilan mataas pa rin yung bilang ng mga kababayan natin na kahit optional na eh, nagsusuot pa rin ng facemask pa rin. Kumbaga natuto na tayo how to be responsible to our ourselves at yan naman yung gusto nating makita,” ani David.
Sa kabila nito, patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) na maging responsable at laging pairalin ang tamang proteksyon sa sarili.
Batay sa pinakahuling datos ng Covid-19 Tracker ng DOH, may nadagdag na 973 new Covid cases noong Dec. 18, 2022. Sa kabuoan, nasa 17,900 ang active Covid cases sa bansa.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.