Kasagsagan ang kaliwa’t kanang Christmas parties, pagtitipon, salo-salo at syempre may inuman din, kaya naman ang Department of Health (DOH) may paalala sa mga party goers.
Sa abiso ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), nagbabala si Regional Director Gloria Balboa na dapat maghinay-hinay sa pagkain ng matatabang putahe sa mga handaan.
Kapag hindi maiwasan ang paglantak sa mga ma-cholesterol na putahe, payo ni Balboa na dapat balansehin ang diet sa pamamagitan ng pagkain ng gulay at prutas.
Una na ring nagbabala ang DOH laban sa masebo at mga unhealthy foods na kadalasang may salo-salo rin ng alcohol beverages o pag-inom ng alak.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, hindi bawal ang pagkain ng masasarap na putahe pero hindi dapat sumobra sa limitasyon.
Kadalasan umanong tumataas ang kaso ng high blood at minsan nauuwi sa stroke dahil sa pagtaas ng altapresyon at cholesterol level ng katawan.
Bukod kasi aniya sa kaliwa’t kanang handaan at party-party ngayong linggo, madadagdagan pa ito ng fat at cholesterol loading pagsapit naman ng Pasko at Bagong Taon.
“Be responsible at kung hindi naman kailangan kumain ng matataba, please don’t do it. Alalahanin po natin na ang Kapaskuhan ay para tayo ay magsama-sama at magsaya. Just do it in moderation yung pag-inom ng alak at pagkain ng matataba,” paalala ni Vergeire.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.