Bigo ang short-handed Los Angeles Lakers na irehistro ang kanilang inaasam na upset sa isa pinakamainit na koponan ngayon sa National Basketball Association (NBA) league na Phoenix Suns.
Sinamantala ng Suns ang hindi paglalaro ng apat na star player ng Lakers na sina Lebron James, Anthony Davis, Russell Westbrook at Austin Reaves dahil sa injury.
Sinabayan pa ng Phoenix Suns ang kanilang kampanya sa mainit na shooting para selyohan ang panalo sa iskor na 130-104.
Bigong sumabak sa hardcourt si Lebron dahil sa pananakit ng kanyang kaliwang bukong-bukong. Hindi rin nakapaglaro sina AD na may iniindang right foot soreness, Westbrook na mayroong left foot soreness, at Reaves na nagkaroon ng right ankle sprain.
Sa kabila ng pagiging undermanned ng Lakers, sinubukang makipag-sabayan pero mainit ang shooting ng Suns.
Top scorer ng Lakers ang guard na si Dennis Schroder na umiskor ng season-high 30 points.
Nag-ambag din si Kendrick Nunn ng 17 points at parehong tig-16 ang kinamada nina Lonnie Walker IV at Thomas Bryant.
Pinangunahan naman ni Chris Paul ang Suns na kumamada ng 28 points at 8 assists, sinundan ni Deandre Ayton na may 21 puntos.
Pumapangatlo ngayon sa Western Conference standings ng NBA ang Suns na may 19-12 win-loss record.
Nasa pang-apat na pinaka-kulelat naman ang Lakers sa kartadang 13-17 win-loss record.
Quarters: 38-24, 68-44, 99-77,130-104
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.