Niyanig kaninang madaling araw ng magnitude 5.0 na lindol ang lalawigan ng Lanao Del Sur at naramdaman din ito sa ilang bahagi ng Mindanao.
Sa inilabas na earthquake information no.2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter o sentro ng lindol sa layong pitong kilometro hilagang-silangan ng Kalilangan, Bukidnon.
Unang iniulat ng Phivolcs na magnitude 5.2 ang lakas ng pagyanig, pero ibinaba ito sa magnitude 5.0 kalaunan.
Nangyari ang paglindol bandang alas-5:44 ng umaga (Dec. 20) at may kalakasan ang naranasang pagyanig dahil tatlong kilometro lamang ang babaw ng pag-uga mula sa lupa.
Naitala ang Instrumental Intensity IV sa Kalilangan, Bukidnon; Intensity III sa Talakag, Bukidnon; Cagayan de Oro City at Misamis Oriental; at Intensity sa Malaybalay, Bukidnon; Kidapawan City at Cotabato.
Bagama’t tectonic ang origin o sanhi ng lindol, nagbabala ang Phivolcs ng serye ng aftershocks.
As of 9:31 ng umaga (Dec. 20), may naitalang tatlong aftershocks ang lindol sa hilagang kanluran ng Kalilangan, Bukidnon.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.