PANGUNGUTANG. Kung hindi man naging parte na ng buhay ay ginawa ng hanap-buhay.
May ilan, tila hindi na kayang mabuhay nang hindi nangungutang. At may mangilan-ngilan pa,
kapag hindi mo pinautang, ikaw pa masama, swapang, ganid, sakim at madamot.
Hindi sa nilalait o pinagtatawanan ang mga taong ito. ‘Di mo masisi na kaya nangyayari ito ay gawa ng hirap ng buhay.
Sa panahon pa naman ngayon, lahat digital. Pati pangungutang, digital na rin. Kaya nagsulputang parang mga kabute ang mga tinatawag na Online Lending Application (OLA).
Patibong ng OLA ang madalian ang pangungutang. Bigay ka lang ng pangalan at ID mo, salamat sa OLA, may instant pera ka na.
Ang hindi mo alam, nakuha na nila lahat ng pangalan at contact details ng mga taong nasa phonebook mo sa telepono at social media.
Kuwidaw, eto na ang kapalit ng mabilis na approval ng iyong utang. Mahuli ka lamang ng ilang araw sa iyong due date, mabilis din ang kanilang paningil.
Matinding pananakot, pamamahiya, pagbabanta, panlalait at siguradong sasapitin mo sa mga bastos na kolektor nila.
Mga naging utak terorista na, pupugutan ka raw ng ulo at ilalagay pa sa porn site. Pati mukha ng mga anak mo, asawa’t magulang ipo-post nila sa social media.
Pati mga kasamahan mo sa trabaho, kapamilya at kabigan, tinatawagan o nagtetext blast para magbayad ka ng utang mo.
Nang dahil lamang sa utang, because you made a life of borrowing money from them.
Kaming mga Tulfo brothers, naiintidihan namin ang mga taong nasa laylayan na, walang-wala talaga.
Subalit, responsibilidad din naming mga mag-uutol na pukawin publiko. Buksan ang inyong mga isipan na maaaring hindi niyo nakikita ang katotohanan.
Meron talagang nananamantala doon sa mga walang-wala. Kapag kumagat ka sa kanilang patibong na madaliang pautang, patay kang bata ka – wag kang ngangawa kapag hindi ka nakapagbayad.
Ang BITAG, kailangan lang namin ng show cause o ipakita nyo lang kung bakit kailangan na naming manghimasok kapag binaboy na ang inyong pagkatao.
Hindi lamang ‘yung dahil hindi na makapagbayad ay tatakbo sa amin para makalusot sa responsibilidad. Iba kami mag-imbestiga.
Kapag napatunayang may pagmamalabis sa estilo ng mga OLA collector na ‘to, sasampol kami. Katuwang ng BITAG ang mga alagad ng batas.
Kaya sana magising na tayo. Kapag nagipit, ‘wag sa OLA kumapit. Yun bang kapag ‘di mo pinautang, magiging miserable ang buhay.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.