Dumulog si Orlando Paculan Jr, 42 years old, nagtatrabaho bilang isang caretaker ng farmhouse sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo.
Apat na taon nang nagbabantay ng farmhouse sa San Fernando, La Union si Orlando na pagmamay-ari ng kanyang amo na si Edmund Hufana, isa raw retiradong pulis.
Sumbong ni Orlando, hinampas daw siya ng kawayan ng pastor na si Marlon matapos niyang videohan ang pagdaan nito sa lupa na kanyang binabantayan.
“Nahuli ko kasi sila na dumaan sa hindi tamang oras, galit na galit po siya sa akin at hinamon pa ako ng suntukan, hindi pa siya nakuntento sir, hinampas pa ako ng kawayan kaya kop o siya inirereklamo,” salaysay ni Orlando sa BITAG.
Ayon kay Orlando, sinusunod lang daw niya ang bilin ng kanyang amo at ng abogado nito na kumuha ng video sa tuwing lalabag sa oras ng pagdaan si Pastor Marlon.
Isang court order ang ibinahagi niya sa BITAG na inilabas ng San Fernando, La Union Regional Trial Court nakaraang 2019. Nakasaad ang kasundaan sa pagitan ni Pastor at ng may-ari ng lupa hinggil sa right of way.
“The duplicate key shall be under the sole custody of Pastor Ingco; Pastor Ingco shall open the gate at 7AM and close the same at 7PM and the gate shall be opened before 7AM or beyond 7PM only in cases of emergency concerning Pastor Ingco or any member of his household,” nakasaad sa court order.
Kumuha daw ng video si Orlando upang magsilbing ebidensya na lagpas na sa itinakdang oras ang pagdaan ng pamilya ni Pastor Marlon.
Depensa naman ni Pastor Marlon, nabastusan daw siya sa paraan ng pagkuha ng video ni Orlando lalo na at kasama niyang dumaan ang anak kanyang asawa at anak na babae.
Dagdag ni pastor, may medical emergency daw sila noong gabing ‘yun dahil nakagat ng aso ang kanyang anak na babae. “Malalim po yung kagat ng aso sa anak ko, 3rd degree nga daw po sabi ng doktor kaya kinailangang isugod sa ospital” paliwanag ni Marlon sa BITAG.
Sa umpisa, hindi nagustuhan ng host ng programa na si Ben Tulfo ang tila pag-uudyok at nakakabastos na paraan ng pagkuha ng video ng nagrereklamong si Orlando
“Kung kukuha ka ng video sa malayo lang, wag naman isalpak sa mukha nung tao at may mag bata tapos hinahamon mo pa, pang-uudyok na yang ginawa mo, provocation ‘yan” paliwang ni BITAG.
Hindi rin nakaligtas si Pastor Marlon sa kastigo ni Tulfo. Ipinagtaka ni Tulfo kung bakit matigas ang pastor na magpatawad kahit umiiyak nang humihingi ng kapatawaran ang caretaker na si Orlando.
Ang patas na imbestigasyon ng #ipaBITAGmo sa reklamong ito, abangan!
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.