Ni-reject ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang probisyon o detalye ng nilagdaang P5.268 trillion national budget ng gobyerno para sa Fiscal Year (FY) 2023.
Ayon sa ulat ng state-run radio network na Radyo Pilipinas, kasama sa na-veto ng Pangulo ang Special Provision No. 1 o ang “Use of Income” ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Paliwanag ng punong ehekutibo, hindi awtorisado ang NLRC na gamitin ang income nito alinsunod sa umiiral na batas.
Hindi rin lumusot sa Pangulo ang Special Provision No. 4 kung saan nakasaad ang pagkakaroon ng revolving fund para sa Office of the Secretary ng Department of Education (DepEd) para pondohan ang “DepEd TV”.
Giit ng Pangulo, hindi awtorisadong magkaroon ng revolving fund ang DepEd para sa pagpapatakbo ng television shows.
Hinarang din ang Special Provision No. 4 para sa “Branding Campaign Program” ng Department of Tourism (DOT) para limitahan ang functions ng Executive Branch para ipatupad ang RA No. 9593 o Ang Tourism Act of 2009.
Ipinaliwanag ng Pangulo na base sa RA No. 9593, bahagi ng mandato ng DOT na magplano, maglatag ng programa, at magsilbing implementing and regulatory agency para sa promosyon ng tourism industry.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. ang 2023 General Appropriation Act (GAA) noong Disyembre 16, 2022.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.