Iminungkahi ni Act Teachers party-list Rep. France Castro na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa ibinunyag ng isang preso o person deprived of liberty (PDL) na may mga high-profile inmate ng New Bilibid Prison (NBP) ang pineke ang dahilan ng pagkamatay.
Partikular na pinatututukan ni Castro ang imbestigasyon sa kaso ni Jaybee Sebastian na sinabing namatay sa COVID-19, pero hindi naman ito dinala sa “Site Harry” na designated quarantine facility ng bilibid.
Matatandaang ibinunyag ng isang detainee ng NBP na may mga ilang inmates na pineke ang totoong sanhi ng kanilang kamatayan.
Bukod sa mga pekeng ‘covid deaths’, may mga preso din umano na sadyang pinapatay at pinalalabas lamang na atake o natural death ang pagkamatay.
Ayon kay Castro, dapat siyasating mabuti kung sino-sino ang mga nasa likod ng “fake Covid deaths” sa NBP.
Nais din ni Castro na isapubliko ang death record ng mga high-profile inmates na napaulat na namatay dahil sa Covid tulad nina Jaybee Sebastian, Francis Go, Willy Yang, Benjamin Marcelo, Zhang Zhu Li, Jimmy Kinsing Hung, Ryan Ong, at Amin Buratong.
Naniniwala ang militanteng mambabatas na hindi isolated case o aksidente lamang ang kaso ng pagpaslang sa mga preso.
“The question is who ordered them to be silenced and who would benefit from it?” ani Castro.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.