Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na bilisan ang pag-angkat ng 64,054 metriko toneladang imported na asukal, upang mapigil ang pagbulusok ng presyo nito sa merkado.
Nilagdaan kahapon, Dec. 20, ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban ang DA Memorandum Order No. 77 para i-convene ang Minimum Access Volume (MAV) Advisory Council.
Bilang acting Secretary ng DA, ipinag-utos ni Pangulong Marcos kay MAV Secretariat OIC, Executive Director Jocelyn Salvador na bilisan ang pag-angkat ng imported na asukal sa ibang bansa.
Nababahala ang Pangulo na baka lalong tumaas ang presyo ng asukal dahil sa patuloy na pagsirit ng inflation rate o taas-presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa pagsasaliksik ng news team ng BITAG Media Digital (BMD), napag-alaman na lalo pang bumulusok ang presyo ng asukal habang papalapit ang Kapaskuhan.
Batay sa Price Monitoring Report ng Sugar Regulatory Administration (SRA), nasa P105 ang pinakamataas na presyo ng kada kilo ng refined na asukal sa Metro Manila.
Base ito sa December 2, 2022 monitoring ng SRA sa average at prevailing sugar prices sa Kalakhang Maynila.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.