Patay ang isang lalaki sa Davao City na suspek sa pagnanakaw ng bisikleta matapos manlaban sa operatiba ng Philippine National Police (PN) kahapon ng gabi, Dec. 21.
Ayon sa ulat ng Ecoland Police Station, itinawag ng isang Rey Gulane, 45 taong gulang ang insidente ng pagnanakaw ng kanyang bisikleta sa Caparida Compound, Brgy. 76-A, Davao City.
Rumesponde ang mga operatiba at natiyempuhan sa madilim na lugar ang isang lalaki na may dalang bisikleta.
Nang akmang lalapitan ng mga pulis ang lalaki, agad umanong bumunot ng baril ang suspek pero naunahan ito ng operatiba.
Dinala ang suspek sa Southern Philippines Medical Center, pero hindi na ito umabot ng buhay.
Narekober ng mga pulis mula sa crime scene ang isang Trinx mountain bike, isang unit cal .38 revolver, dalawang live ammunition, isang maliit na sako na may lamang electrical wires, isang black belt bag na naglalaman ng isang dalawang unit ng cellphone phone, isang relo, dalawang piraso ng transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang marijuana, isang screwdriver, isang star screw, at isang plier.
Inaalam pa ng Ecoland Police Station ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.