“Lahat ng bagay ay nadadaan sa mabuting usapan.”
Matapos umani ng higit 8-milyong views at maipalabas sa investigative public service program na Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang viral video ng J&T delivery rider na si Henry Macajilos, nagkaayos na sila ng kaniyang “mainit” na kostumer.
Pagbabalita ni Henry sa BITAG, nagkamayan at nag-bati na sila ng suking si Rogelio Graspela sa mismong tanggapan ng National Bureau of Investigation – Puerto Princesa, Palawan noong a-2 ng Disyembre.
“Nagkapatawaran na po kami. Sanay maging aral na lang po yung nangyari. God bless po sa ating lahat. Ako din po ay nagpapasalamat kay Sir Ben Tulfo at sa BITAG, dahil sa kanyang program kami po ay nagkaayos na ni Engineer” kwento ni Henry.
Hindi na rin daw itinuloy ni Rogelio Graspela ang pagsasampa ng kasong Cyber Libel laban kay Henry dahil nag-usap na sila ng maayos sa programa ng BITAG.
Binura na rin ni Henry ang kanyang viral post tungkol sa nangyaring insidente.
Matatandaang sa programang Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo humingi ng tulong ang delivery rider na si Henry matapos uminit daw ang ulo ni Rogelio nang malaman na mali ang natanggap nitong item.
Pinagbintangan daw siyang “scammer” ng customer dahil imbes na pantalon, shorts daw ang laman ng parcel.
Kaya’t kahit na anong paliwanag ng rider, pinagdidiinan pa rin ng customer na kasabwat siya sa panloloko. Dahilan para hindi bayaran ni Graspela ang dineliver na parcel na siyang inabonohan ng pobreng rider.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.