Taong 2006 nang dagsain ng mga sumbong at reklamo ang BITAG laban sa mga tulisang estilo ng towing companies sa buong kamaynilaan.
Kadalasan, mga colorum na towing companies na hindi accredited o walang permit mula sa Metro Manila Development Authority o MMDA ang bumibiktima sa mga kawawang motorista.
Isa sa mga sinampulan ng BITAG ang mga kilabot na towing company sa Quezon City, ang Road Eye towing services.
Sumbong sa BITAG Action Center ni “Virgilio,” tinow daw ang kanyang sasakyan ng mga tauhan ng Road Eye towing services matapos maubusan ng gasolina sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.
Nang mga oras na ‘yun ay kasama niya raw ang kanyang dalawang anak.
Nakisuyo umano si Virgilio sa isang hardware store na iiwan ang kaniyang mga anak para lang agad makatakbo at makahingi ng saklolo sa BITAG.
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, sadyang binabastos ng nasabing towing company ang panuntunan o guidelines ng Metro Manila Development Authority o MMDA.
Sa halip na i-tow at dalhin sa gasoline station, dinidiretso ito sa impounding area para doon tubusin ng driver.
Wala ring representante ng MMDA o Traffic Enforcer ng lokal na pamahalaan na siyang mag-iisue ng traffic violation receipt (TVR) sa tuwing manghuhuli ang inirereklamong towing.
Agad tinungo ng BITAG opisina ng nasabing towing company.
Sa halip na humarap,nagpulasan at nagsipagtakbuhan ang mga tauhan ng nasabing towing company.
Ang mga aktuwal na komosyon sa pangungumpronta ng BITAG sa inirereklamong towing company,panoorin sa BITAG CLASSIC:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.