“Superhero” kung ilalarawan ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Carlo Gonzales ang kanyang 74 years old na nanay na si Emperatriz Gonzales.
Walong taong nasa abroad si Carlo at nito lamang kasagsagan ng pandemya ay nagdesisyon siyang umuwi na ng Pilipinas. Bukod sa pandemya, ang kanyang ina ang naging rason ng kanyang pag- uwi.
Aniya, mula pagkabata ay laging nakasuporta si nanay Emperatriz sa kanya. Aminadong “Mama’s Boy” dahil bukod sa bunso sa limang magkakapatid ay sobrang malapit siya sa kanilang ina.
“I will do anything kahit anong mangyari, gagawin ko ang lahat para sa mama ko. Mahal na mahal ko yung mama ko,” wika ni Carlo.
Subalit, nababahala ngayon si Carlo kondisyon ng kalusugan ng kaniyang ina. Mayroon itong high blood at ikinagulat niya ang mala-jolen na bukol sa lalamunan ni nanay Emperatriz.
“Actually may goiter na talaga si mama simula nung elementary pa ata . Inoperahan na ‘yun noon, tinanggal na tapos eto, lately lang, bumalik siya (bukol).” pag aalala ni Carlo.
Kasabay ng hamon na dulot ng goiter sa mag inang Carlo at Emperatriz ay nanatiling positibo ang tingin nila sa buhay. Unti-unti nilang nakikita ang pagbabago dulot ng mga iniinom na gamot at pagsunod sa espesyalista.
“Sa mga may karamdaman ‘wag kayong ma-stress, ito ako positibo lang sa buhay. Hindi nagpapa-stress. Tuloy lang ang buhay.” – wika ni nanay Emperatriz. Ayon sa isang espesyalista, ang goiter ay ang paglaki ng thyroid gland. Ang thyroid gland ay isang hugis paru-paro na matatagpuan sa ating lalamunan.
Kakulangan ng iodine sa katawan ang pangunahing sanhi ng goiter. Ang mga posibleng senyales ng goiter ay ang paglaki ng leeg, pagsikip ng lalamunan, hirap sa paghinga, hirap sa paglunok, pag-ubo at pamamaos.
Payo ng doktor, para maiwasan ang goiter ay siguraduhing magkaroon ng sapat na nutrients sa katawan at kung may nararamdaman ay ugaliing magpakonsulta kaagad sa isang espesyalista.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.