Masayang ibinalita ng single-parent na si Christine Joy Gari, 31 years old sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo na natanggap na niya ang kanyang solo-parent ID.
Disyembre 13, 2022, ipinadala ni Christine sa BITAG ang larawan kung saan hawak-hawak niya ang kanyang solo-parent ID.
Ayon kay Christine, agad tinugunan ng City Social Welfare and Development o CSWD ng San Jose Del Monte, Bulacan ang kanyang naging problema matapos makausap ng program host na si Ben Tulfo ang mismong head ng tanggapan.
Sa pakiusap ni Tulfo ay mismong si Mrs. Marlyn Cumba, Department Head ng CSWD SJDM ang nag-asikaso kay Christine upang agad maibigay ang kanyang solo-parent ID.
“Maraming maraming salamat po sa BITAG, kay Sir Ben. Nakuha ko na po ang solo parent ID. Godbless po sa BITAG and sana po mas marami pa po kayong matulungan” ani Christine.
Ang aksiyong ito ay nagmula sa reklamo ng ginang kung saan inirereklamo niya ang isang social worker sa opisina ng CSWD ng SJDM. Tinanggihan umano siya nito na bigyan ng solo-parent I.D. sa kadahilanang baka raw may kinakasamang iba o boyfriend si Christine.
Balikan ang buong detalye ng sumbong ni Christine sa #ipaBITAGmo, panoorin;
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.