“Magpapagaling po ako para sainyo, Mommy and Daddy”
Ito ang pangako ng 11-anyos na si Zhydd James Diata sa kanyang mga magulang sa isang panayam sa kanya ng Bitag Multimedia Network (BMN) noong nakaraang taon.
Dahil sa sakit na TB meningitis, labis na nanghina ang katawan ng dating masiglang si Zhydd.
Kwento ng inang si Rosechel, nagsimula lamang daw ang sakit ng kanyang anak sa simpleng lagnat at pananakit ng ulo.
Hindi nagtagal, isinugod si Zhydd ng kanyang pamilya sa ospital matapos itong makaranas ng pagkokombulsyon.
Sa pagamutan, napagalaman ang sakit ni Zhydd kung saan isinailalim siya sa isang operasyon dahil sa naipong tubig sa kanyang utak.
“Ni-lumbar drain po siya. Pagtapos nun wala na, parang coma na siya, hindi na namin siya makausap,” wika ni Rosechel.
Dahil sakanyang karamdaman, tila agad pinagkaitan si Zhydd na mamuhay ng normal tulad ng ibang mga bata.
“Sobrang sakit po kasi kung pwedeng ako nalang. Dinudurog yung puso ko kasi wala akong magawa,” panaghoy ng ina.
Subalit sa kabila ng pagsubok na ito, patuloy na nanalig ang mga mahal sa buhay ni Zhydd at kumapit sa gabutil na pag asa.
“Hindi talaga kami sumuko. Kahit tulog siya palagi kong sinasabi sakanya ‘anak magpagaling ka, nandito lang kami’” wika ni Rosechel.
Tila dininig naman ng langit ang kanilang mga panalangin matapos himalang magpakita ng mga senyales ng paggaling si Zhydd sa ospital.
“Tango at iling muna yung pinakita niya na dati wala. Parang nagreresponse siya pag kinakausap siya. Tuwang-tuwa ‘yung mga doktor sa kanya,” kwento ng ina.
Mula sa mga munting galaw, nagtuloy-tuloy daw ang pagbuti ng kalagayan ni Zhydd hanggang sa muli itong nagkaroon ng malay.
Sa tulong ng kanyang doktor at mga mahal sa buhay, matapang daw na nilabanan ni Zhydd ang kanyang karamdaman.
Makalipas ang isang taon, tuluyan niyang tinupad ang kanyang makapagbagbag damdaming pangako sa kanyang mga magulang.
“Ito na po ako ngayon, malakas na po, nakakalakad na po. Sobrang masaya po ako kasi nagagawa ko na mga yung gusto ko po, nakakain ko narin po ako ng walang tubo,” ani Zhydd nang muli siyang bisitahin ng BMN noong Sept. 2022.
“Hindi po ako nawalan ng pagasa na lumakas naging normal ule. Ito na po ako, tinupad ko na po ang pangako ko mommy at daddy,” dagdag niya.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.