Saksak sa tagiliran ang kumitil sa buhay ng 22-anyos na si John Paul Nalundasan, gabi ng December 25, 2017.
Ang suspek, base sa salaysay ng mga saksi ay ang 43-anyos na si Leo Alvarez. Si Alvarez ay ama umano ng ex-grilfriend ni John Paul.
Kaya sa tuwing sasapit ang araw ng pasko, ang ina ng biktima na si Aling Eleonor ay lungkot at pangungulila raw ang nararamdaman sa halip na kasiyahan.
Bilang ina, napakasakit umano na sa mismong araw ng Pasko, walang awa na pinaslang ang kanyang anak.
Kwento ni Aling Eleonor sa BITAG- Crime Desk, ginulantang siya ng isang masamang balita, alas-10 ng gabi ng December 25, 2017.
Hindi kalayuan sa kanilang tahanan, walang awang pinagsasaksak ang kaniyang anak na si John Paul.
Aniya, lumabas lamang daw ng bahay si John Paul upang sunduin ang nakababatang kapatid nitong si “Marco” – hindi tunay na pangalan.
Ayon sa batang si “Marco”, nalibang daw sila ng kanyang kuya sa panonood ng cara y cruz nang bigla nalang daw itong bumagsak na may tama na ng saksak sa kaliwang tagiliran.
Sinubukan daw habulin ng mga residenteng nakakita ang lalaking sumaksak na nakilalang si Alvarez.
Subalit hindi daw ito naabutan dahil sa mabilis na pagkaripas ng takbo papalayo sa lugar ng krimen.
Agad raw isinugod sa ospital ang duguang si John Paul subalit binawian rin ito ng buhay.
Ano ang nagtulak sa amang si Leo Alvarez sa pananaksak sa binatang si John Paul?
May kinalaman kaya ang kaniyang dating kasintahan na anak ng suspek?
Panoorin ang buong istorya sa:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.