Good news mga ka-Bitag!
Dahil nalusaw na ang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR), bahagyang magiging maaliwalas ang Christmas day ngayong Linggo (Dec. 25).
Ayon sa weather forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) as of 4:00 p.m. (Dec. 24), walang nakikitang papalapit na weather system sa bansa.
Tanging ang Northeast Monsoon o hanging habagat ang umiiral sa halos buong kapuluan.
Magdadala ito ng malamig na simoy ng hangin at may pagkulimlim o bahagyang maulap na kalangitan.
Sa Metro Manila, bahagya hanggang sa makulimlim naman ang papawirin.
Sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, at Bicol Region, posibleng makaranas lamang ng pag-ambon o kalat-kalat na mahinang pag-ulan sa hapon o gabi.
Mas malaki ang tsansa ng pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Palawan, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at nalalabing bahagi ng Visayas.Mas magiging maayos naman ang timpla ng panahon ngayong Christmas day sa malaking bahagi ng Mindanao na inulan ng sunod-sunod na araw nitong nakaraan dahil sa LPA.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.