• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
BINATA, PATAY SA TATAY NG EX-GF SA ARAW NG PASKO
December 24, 2022
LABIS NA PAG INOM NG KAPE, NAKAKASAMA NGA BA?
December 27, 2022

‘HOLIDAY BLUES’ O KALUNGKUTAN TUWING SASAPIT ANG KAPASKUHAN, BAKIT ITO NARARAMDAMAN?

December 26, 2022
Categories
  • Features
Tags
  • Features

Ang pasko ay isang masayang selebrasyon na ipinagdiriwang sa iba’t-ibang panig ng mundo, subalit sa kabila nito, may mga iilan ding nakakaranas ng ‘holiday blues’ o kalungkutan tuwing sasapit ang araw na ito.

Sa bansa na may malamig na klima, isang kondisyon ang nararanasan ng ilang indibidwal na tinatawag na Seasonal Affective Disorder o SAD.

Ang SAD –kilala rin sa tawag na winter depression – ay isang uri ng depression na dulot ng pabago-bagong panahon. Kadalasan itong nagpapakita ng senyales tuwing taglagas (fall) hanggang taglamig (winter)

Dahil sa kakulangan ng sikat ng araw, bumababa ang serotonin level na umaapekto sa mood ng isang tao na kalauna’y maaaring humantong sa depresyon.

Samantala, ang holiday blues o pagiging malungkot bago ang pasko ay tipikal na nararamdaman din ng ilang Pilipino ayon sa National Center for Mental Health ng Department of Health (DOH).

“Nangyayari talaga ‘yun. They may feel sad or anxious since patapos na ang taon, people may begin to reflect on their lives pati sa kanilang mga regrets sa buhay,” ani Joseph Bonifacio, program coordinator ng NCMH sa isang panayam ng Bitag Media Digital (BMD).

Ayon sa NCMH, maraming dahilan kung bakit nararanasan ng mga tao ang holiday blues. Isa na rito ay ang kakulangan ng sapat na pera upang paghandaan ang pasko.

“Pag holiday marami tayong ginagastos for food and gifts. Some are struggling financially and stressful ‘yun sa kanila lalo na kapag hindi sila makapagprovide nung mga bagay na ‘yun during the holidays,” ani Bonifacio.

Bukod dito, ang biglaang pagpanaw ng mahal sa buhay gayundin ang pagiging malayo sa pamilya ay nakakadagdag din sa nararamdamang kalungkutan ng isang indibidwal tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Ilan sa mga sintomas ng holiday blues ay kawalan ng lakas at gana, pagiging iritable, hirap sa pagtulog at pagbigat ng timbang.

Bagama’t lumilipas din agad ang holiday blues kumpara sa mga clinically diagnosed anxiety and depression, mahalaga parin daw na pagtuunan ito ng pansin.

“They should do self care activities. Keep theirselves busy with their hobbies, do sports or simply watch their favorite movies or series. Importante din na may open communication sila sa kanilang pamilya at iba pang mga tao na kanilang pinagkakatiwalaan,” payo ni Bonifacio.

Hinimok naman ni Bonifacio ang sinumang may pinagdadaanan na mental health problem na makipagugnayan sa NCMH hotline sa mga numerong: 1800-1888-1553, 0966-351-4518, 0917-899-8727, 0908-639-2672

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved