Dahil sa inaasahang aberya sa unang dalawang linggong ‘test registration’ ng mandatory SIM (subscriber identity module), nagbukas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng 24/7 complaint center para sa mga subscriber na magkaka-aberya sa pagpapatala ng mobile number.
Ayon kay Undersecretary Anna Mae Y. Lamentillo, tagapagsalita ng DICT, maaaring tumawag sa Hotline 1326 ang mga makararanas ng glitches o technical issue habang nagpaparehistro.
Sinabi ni Lementillo na magiging support system ang complaint center para maiparating ang problema o aberya sa mga telephone companies (Telcos).
Mismong ang DICT umano ang magpapa-abot sa mga concerns ng publiko upang agad itong masolusyonan ng mga Telcos.
Pangangasiwaan ng attached agency ng DICT na Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pagtanggap ng mga reklamo.
“DICT Secretary Ivan John Uy wants the SIM registration to be done as soon as possible within 180 days, and he wants to ensure that the process will be as seamless as possible,” pahayag ng DICT.
Tiniyak din ng ahensya na agad nilang aaksiyunan ang anumang concerns at reklamo ng mga subscribers upang makagawa ng kagyat na aksyon ang mga telephone companies.
“That is why we launched a 24/7 complaint center so that concerns can be reported immediately and acted upon promptly.”
Bagaman nasa test registration ang unang dalawang linggo ng SIM Card registration, nilinaw ng DICT na “valid” o balido na ang pagtatala ng mga mobile numbers.
Tinawag lamang umanong test registration ang first two weeks ng registration dahil inaasahan na magkakaroon pa ng adjustments para mapabilis at mapabuti ang sistema sa mga susunod na araw.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) successfully distributed a total of 2,000 Charitimba or food
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has further reduced its fee rates
Mandaluyong City – A lucky housewife from Bacoor City, Cavite has become the latest Super
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.