Hindi kinaya ng server ng mga telephone companies (Telcos) ang dagsa ng mga subscribers na nag-unahan sa unang araw ng SIM (subscriber identity module) card registration ngayong araw, Disyembre 27, 2022.
Sa unang dalawang oras pa lamang ng registration, nag-abiso na ang ilang Telcos na magkakaroon ng glitch o technical problem sa sa pagtanggap ng mga magpapa-rehistro.
Unang nag-abiso ang Globe at Smart ng technical difficulties dahil sa dami ng mga subscribers na nag-unahan sa pagpapatala.
“Due to the high volume of registrants, some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site. Our technical team is working on increasing capacity,” ayon sa advisory ng Smart Communications Inc.
Sa panayam naman ng Super Radyo dzBB sa corporate communications ng Globe Telecom na si Yoly Crisanto, humingi ito ng paumanhin dahil sa “null” response ng kanilang system sa mga nagpa-register na subscriber.
“Kung matatandaan po natin, ang sinasabi ng batas sa mga Telcos irehistro ang aming mga subscriber. But yesterday, based on the press conference, the government asked for some sort of verification,” paliwanag ni Crisanto.
Ilang oras, naayos din ang pagtanggap ng mga SIM card registration ng Globe, Smart at DITO, pero may ilang subscriber pa rin ang dismayado dahil sa bagal ng server.
Alinsunod sa implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11934 o ang “SIM Card Registration Act”, bibigyan ng anim na buwan ang o 180-days ang mga subscribers na magpa-rehistro. (December 27, 2022 hanggang June 22, 2023)
Pagkatapos ng anim na buwang palugit, pwede ring humingi ng tatlong buwang grace period o extension. Sakaling mapagbigyan, maaaring magpa-rehistro hanggang Oktubre 20, 2023.
Para makapagparehistro, magtungo lamang sa mga link na ito:
DITO Subscribers: https://dito.ph/sim-registration
GLOBE Subscribers: new.globe.com.ph/simreg
SMART Subscribers: smart.com.ph/simreg
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.