• Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
  • Home
  • Public Service
  • Investigative
  • Issues and Analysis
  • All Shows
  • News
  • E-STORE
bitag_logo_2
‘HOLIDAY BLUES’ O KALUNGKUTAN TUWING SASAPIT ANG KAPASKUHAN, BAKIT ITO NARARAMDAMAN?
December 26, 2022
RAPPER AT DJ NA-COMATOSE DAHIL SA MATAAS NA BLOOD SUGAR
December 27, 2022

LABIS NA PAG INOM NG KAPE, NAKAKASAMA NGA BA?

December 27, 2022
Categories
  • Features
Tags
  • Features
Isa sa mga paboritong inumin ng maraming Pilipino ay ang mainit na kape. Mapa puro man o three-in-one, kape ang pangunahing inuming inihahanda anumang oras ng ating araw. 
Isa sa mga “coffee lover” na nakilala ng Bitag Media Digital (BMD) ay ang 35-anyos na si Rosebel Diche ng Apalit, Pampanga.
Ayon kay Rosebel, noon pa man ay kape na ang bumubuhay sa kanyang dugo bago pa man magsimula ang kanyang araw.
“Feeling ko po kasi kapag nakakainom ako ng kape para pong energy drink para sa akin. Parang narerelax po ako,” ani Rosebel.

Subalit, kumpara sa iba ay tila sumobra ang pagmamahal ni Rosebel sa kape. Aniya, umaabot hanggang walong tasa ang kaya niyang inumin sa isang araw.

Ang resulta, nagsimula na raw makaramdam si Rosebel ng labis na pangangasim ng sikmura, paninikip ng dibdib at pagsusuka.

Nang magpakonsulta sa doktor ay napag alaman niyang siya ay may gastroesophageal reflux disease o GERD.

“Umaakyat po yung acid sa dibdib ko hindi na ako makahinga, tapos nagpa-palpitate po ako tapos nanginginig po ako. Nahihilo rin po ako tapos parang mahihimatay ako,” saad ni Rosebel. 

Ano nga ba ang GERD? May kinalaman ba ang labis na pag inom ni Rosebel ng kape sa kanyang mga nararamdaman?

Sa panayam ng BMD sa isang gastroenterologist na si Dr. Noreen De Leon, ang GERD ay isang kondisyon kung saan lumuluwag ang bukana sa pagitan ng esophagus at stomach.

Kadalasang nakakaranas ng heartburn ang isang pasyenteng may GERD dulot ng pag akyat ng acid sa esophagus.

Base sa pag aaral, ang acid content ng kape ay nasa pagitan ng 4 at 5 sa pH scale kaya naman maituturing itong acidic. 

Iilan din sa mga maaaring makapagsanhi ng acid reflux bukod sa kape ay pag inom ng softdrinks, pagkain ng maaanghang at maaasim, ganundin ang paninigarilyo.

“Pwede kasi silang mag-cause ng further relaxation o pagluwag nung tinatawag nating sphincter na maaring lalong makapagdulot ng nararamdaman nung taong may GERD,” wika ni Dr. De Leon.

Kapag napabayaan daw ang hyperacidity, maaari itong humantong sa isang seryosong kondisyon tulad ng Barrett’s esophagus kung saan nagkakaroon ng abnormal cells ang lining ng esophagus. 

“Maaaring magasgas at magbleed ang lining ng esophagus kapag malalim ang sugat. Kalaunan,maaaring magdevelop ng Barrett’s esophagus na high risk magdevelop ng cancer sa esophagus,” ani Dr. De Leon.

Kaya naman payo ng espesyalista sa mga coffee lover, hinay hinay lang sa pag inom ng kape gayundin sa iba pang mga nabanggit na maaaring makapagdulot ng hyperacidity.

“Limitahan ang coffee intake to 1-2 cups a day. Pangalawa, bawasan ang timbang kung kayo ay overweight dahil nakakadagdag din ito sa acid reflux,” payo ng doktor.

Recent News

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 
National News
April 29, 2025

PHILHEALTH COVERS CONFINEMENTS FOR HEAT-RELATED  ILLNESSES AMID RISING TEMPERATURE 

With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL
National News
April 29, 2025

ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES
National News
April 22, 2025

IN CASE YOU MISSED IT: PHILHEALTH ANIMAL BITE PACKAGE COVERS PHP 5,850 FOR SERVICES AGAINST HIGHLY FATAL RABIES

The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS
National News
April 15, 2025

NEW BENEFIT IN FOCUS: PHILHEALTH OUTPATIENT MENTAL HEALTH PACKAGE TO SUPPORT “INVISIBLE” PAINS OF FILIPINOS

PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino.  “Nais naming ipaabot

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR
National News
April 9, 2025

SCENIC LAGUNA TOWN GETS SOCIO-CIVIC CENTER FROM PAGCOR

LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA
National News
April 7, 2025

PAGCOR TURNS OVER PATIENT TRANSPORT VEHICLE TO PNPA

The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to

Share

Social Links

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com


All Shows

  • Bitag New Generation
  • Crime Desk
  • Pinoy US Cops


News and Current Affairs

  • #ipaBITAGmo
  • BITAG Live
  • BMN News

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103

bitagmediaunlimited@gmail.com

About Us

In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.

Read More

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved


News and Current Affairs


All Shows

About Us   |   Careers   |   FAQ’s   |   Shop

Copyright © 2021 BITAG Multimedia Network Inc. | All Rights Reserved