Sa sumbong ng isang ladyguard sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo, nadiskubre ang isang modus sa isang mall sa Malabon.
Ayon kay Alexis Cabanillas, gumagamit daw ng mga disenteng ahente ang isang appliance store na nasa loob mismo ng mall para mang-akit, mangumbinse at mambudol ng mabibiktima.
Aminado si Alexis, isa siya sa mga nauto ng mabubulaklak na salita ng mga ahente – kaya siya lumapit sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo
Pauwi na raw siya mula sa kaniyang duty ng harangin daw siya sa exit ng mall ng isang babaeng ahente. Inimbitahan daw siya nito sa kanilang store.
“Sumama po ako Sir Ben kasi sabi nung babae, anniversary daw nila may ibibigay daw silang free kapote, pagdating po sa office nila pinaupo po ako sa massage chair, may tatlo po nakapaligid sa akin tas dumadami po sila,” pagsasalaysal ni Alexis.
Sa umpisa ay inakala niyang bwenas siya dahil sa sandamukal na regalo at appliances na natanggap niya mula sa tindahan.
“Masaya po ako dun sa pitong appliances na binigay nila kasi sabi nila kung susumahin ay aabot ng ng P280,000 yung halaga ng mga binigay nila”
Ngunit sa huli ay natuklasan ni Alexis na ang napanalunan na mga regalo ay parte lang pala ng pambu-budol daw ng tindahan dahil umabot sa P70,000 ang nalimas sa kanyang ATM card.
Personal na binisita ng mga BITAG Investigator ang nasabing tindahan sa isang mall sa Malabon upang pag-aralan ang pamamaraan ng mga ahente sa pag-aalok ng mga appliances.
Ang reaksiyon ng mga ahente ng tindahan sa sorpresang pagbisita ng BITAG, agad ibinalik ang pera sa nagrereklamong sekyu na si Alexis.
Panoorin ang kabuuan ng imbestigasyon ng BITAG:
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.