Pagdating sa mga concert at live show, tinaguriang “Godfather ng Pinoy Rap” si Andrew E.
Isa sa mga sumunod sa kaniyang yapak at kaniyang naging protegee ay si Romano Baesa o mas kilala sa screen name na Oman B.
Kwento ni Oman B sa “Totoo” segment ng Bitag Live, 25 years na niyang kasama ang kanyang idolo bilang back-up rapper at DJ (disk jockey).
“Pagka graduate ko ng high school, nagpasa ako ng music demo sa show ni Andrew E., mabuti naman nakuha niya, nagustuhan yung song ko. Kinuha na niya ako bilang rapper niya. Binuo niya kami ng grupo, ginawan niya ako ng group album pagkatapos, ginawan din niya ako ng solo album na Oman B.”
Laking pasasalamant ni Oman na nabigyan siya ng malaking break at oportunidad ni Andrew E.Naibahagi niya ang kanyang husay at talento sa publiko kasama pa ang kaniyang idolo.
October 2012, nagbago ang takbo ng buhay ni Oman. Sa kabila ng kanyang mga tinamasang tagumpay at kasikatan sa buhay, nalagay sa alanganin ang kaniyang kalusugan.
Ang kanya daw sobrang katabaan noon, senyales na pala ng malaking problema niya sa kalusugan.
Galing daw siya noon sa isang birthday party nang bigla siyang mawalan ng malay.
“Init na init ako noon, naligo ako, paglabas ko ng c.r nag collapse na ako, sinugod na nila ako sa ospital.”
Nang suriin siya ng doktor, napag-alaman na sobrang taas daw ng kanyang blood sugar.
Mayroong Type 2 Diabetes si Oman kung saan ang kanyang mga lapay ay nahihirapang gumawa ng sapat na insulin para sa kaniyang katawan.
“Nagsisisi ako dahil naging maka-sarili ako, inuna ko yung bisyo ko, alak sobrang kain, ‘di ko inisip yung may anak ako kung sakali na may mangyari sa akin kawawa (sila).”
Tanggap na ni Oman na panghabambuhay na daw ang kanyang sakit na diabetes. Araw-araw na niyang mino-monitor ang kanyang blood sugar at pagtake ng insulin upang mapanatili sa normal ang kanyang blood sugar.
Ayon sa isang Cardiologist, pinaka common ang Type 2 diabetes sa mga tao na hindi maganda ang lifestyle. Kabilang dito ang kakulungan ng aktibidades o galaw sa katawan katulad ng ehersisyo, mataas ang pag-inom ng alcohol, pagkain ng matatamis, maalat at matatabang pagkain.
Kapag nagiging mataas ang asukal sa dugo, posible ding maapektuhan ang mga ugat at organs ng katawan na magdudulot ng hypertension, stroke gayundin ang matagal na paggaling ng mga sugat.
Pinapayo din ng espesyalista na agad na magpakonsulta sa doktor kapag namonitor na mataas ang blood sugar upang mabigyan ng medikal na atensyon.
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.