LPA MAGPAPA-ULAN SA PALAWAN, VISAYAS AT MINDANAO REGION
Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Miyerkules, Disyembre 28, 2022.
Base sa Daily Weather Forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) ang umiiral sa Mindanao.
As of 3:00 pm (Dec. 27), huling namataan ang LPA sa layong 735 kilometro Silangan ng Surigao City.
Magdadala ito ng masungit na panahon sa Palawan, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, CARAGA at Davao Region.
Ayon sa weather bureau, nakataas sa mga lugar na ito ang posibilidad ng flashflood o pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa mahina hanggang sa malalakas na pag-ulan.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Quezon, Oriental Mindoro at Bicol Region naman ay makararanas ng paminsan-minsang pag-ambon at pag-ulan dahil sa umiiral na Northeast Monsoon o hanging amihan.
Ang Metro Manila ay bahagyang maulap ang papawirin at may minsanang pag-ambon dahil din sa amihan.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maulap ang papawirin na may mahina hanggang sa may kalakasang pag-ulan din dahil naman sa epekto ng localized thunderstorm.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.