Kulong ng hanggang anim na buwan at multang hindi lalagpas sa P30,000 ang posibleng kaharapin ng mga mahuhuling magpapaputok sa mga hindi ‘designated’ fireworks area.
Ito ang babala ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Republic Act no. 7183 o ang pagbabawal na magpapaputok sa mga bawal na lugar.
Alinsunod sa naturang batas, magtatakda lamang ng designated na community fireworks-display area ang mga local government units (LGUs) at barangay katuwang ang mga law enforcement agencies.
Sa public briefing ng Laging Handa, sinabi ni PNP Spokesperson Colonel Jean Fajardo na titiyakin ng Pambansang Kapulisan na babantayan nila ang lahat ng lansangan sa buong bansa upang hindi makapinsala ang mga pasaway na magpapaputok.
Magbibigay din umano ang mga LGUs ng authorized permit para lamang sa mga awtorisadong magbenta ng paputok.
Iginiit ni Fajardo na kanilang huhulihin ang mga nagbabangketa ng paputok lalo na kung walang kaukulang permit mula sa barangay o LGU.
Layon ng paghihigpit ng PNP na iwasan ang aberya at sakuna lalo na kung walang kaukulang safety measures ang mga bentahan ng paputok.
Kinumpirma ni Fajardo na nasa 17 indibidwal na ang kanilang nahuling nagbebenta ng ilegal na paputok.
ALAMIN: MGA ILLEGAL AT PINAGBABAWAL NA PAPUTOK
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.