December 5, 2022, ibinahagi sa BITAG ng negosyanteng si Iren Getaruelas ang isang magandang balita.
Ayon kay Iren, matapos niyang isumbong sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo ang bagong kasal na kumuha ng kaniyang serbisyo, nagsettle na raw ang mga ito ng kabuuang bayad sa kaniyang sinerbisyo na P47,000.
“Maraming maraming salamat po kay Sir Ben Tulfo at sa BITAG at nagbayad na po sa akin ang mag-asawang si Joan at Arnold dahil po sa inyo ay nalutas ang aking problema… again maraming salamat more power and God bless po!”
Dahil bayad na ang kaniyang sinisingil na serbisyo, hindi na itutuloy ni Iren ang pagsasampa ng kasong Estafa laban sa mag-asawa.
Matatandaang lumapit sa #ipaBITAGmo si Getaruelas upang ireklamo ang mag-asawang sina Joan at Arnold General.
Reklamo ni Iren, buwan ng Agosto pa lamang ay kausap na niya ang mag-asawa para sa design and decoration para sa kanilang wedding at reception. Ang kabuuang halaga ng serbisyo ay umabot sa P47,000.
Nagbigay daw ng P8,000 bilang paunang bayad ang mag-asawa at nangako na babayaran ang balanse pagkatapos ng kasal. Subalit sa kasamaang palad, hindi raw binayaran ng bagong kasal ang balanse sa caterer dahil wala namang pormal na kontrata sa kanilang kasunduan.
Sa kagustuhang masingil ang kaniyang isinerbisyo, nanawagan sa social media si Iren para makaabot sa mag-asawa ang kaniyang pakiusap na siya’y mabayaran.
Pumalo sa three million views ang video ni Iren Getaruelas; sa video mapapanood ang emosyonal na pag-iyak ni Iren sa social media matapos hindi bayaran ang serbisyo niya sa nasabing kasal.
Balikan ang kabuuan ng sumbong ni Iren at kanilang sagutan ng kaniyang inirereklamo. Panoorin:
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.