“Puwede ko bang kasuhan at mapanagot ang albularyo’t kapitbahay ko na tinawag akong ASWANG sa Facebook?” Eto ang inihingi ng tulong sa BITAG ng isang ginang na Person with Disability o PWD.
Sa orasyon daw kasi na ginawa ng isang albularyo sa kaniyang kapitbahay, tinawag siyang isang mangkukulam na nagpapahirap sa kaniyang kapitbahay.
Ang video ng mismong orasyon ay naka-upload pa raw sa Facebook kaya kumalat at napahiya ang ginang sa social media.
Dahil dito, nakatanggap din ang ginang maging ang miyembro ng kaniyang pamilya ng mga pangungutya at pananakot mula sa netizens.
Kaya tanong ng pobreng PWD sa Pambansang Sumbungan: #ipaBITAGmo, ano raw ang maaaring niyang isampang kaso sa mga namahiya sa kanya sa social media.
Ayon sa resident lawyer ng BITAG na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio, ang “name calling” o pagpangalan ng anumang katawagan sa isang indibidwal o grupo sa social media ay pasok sa kasong Cyber Libel.
“Ang Cybercrime Law ay bumabalangkas sa napakaraming krimen na ginagawa sa pamamagitan ng social media o sa pamamagitan ng online computer system. Ang isa sa mga pinaparusahan nito ay yung pagpapalabas ng mga ganitong nakakasira sa karakter. Nakakasira sa pagkatao na pagpapahiya sa kapwa,” paliwanag ni Atty. Batas.
Dagdag niya, “wala pong karapatan ang sinuman na tukuyin ang kanyang kapwa bilang isang aswang, bilang isang maligno o anumang lamang lupa o kung ano pa mang pagsasalarawan sapagkat ito po ay papasok bilang cyber libel na ang parusa ay hanggang walong taong pagkakabilanggo.”
Babala ni Atty. Batas sa mga mahilig magpost sa social media, “anumang paglalait, pagbabatikos, o di kaya pag aakusa sa isang tao ng anumang depekto, ng anumang krimen, bagamat hindi naman nalalaman yan kung totoo o hindi, itinuturing po iyang cyber libel”
Ang buong paliwanag ni Atty.Melanio “BATAS” Mauricio ukol sa kasong ito, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and San Miguel Corporation (SMC) today broke ground
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today warned the public against letters and text
A former Overseas Filipino Worker (OFW), who has been playing the lotto for 30 years,
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) joined the Service Caravan of the Presidential Commission for
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) continues its commitment to education and community welfare by
Mandaluyong City – In a proactive step toward enhancing responsible gaming practices, the Philippine Charity
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.