Narito ang magiging lagay ng panahon ngayong maghapon ng Biyernes, Dec. 30, isang araw bago sumapit ang salubong sa Bagong Taon 2023.
Ayon sa Daily Weather Forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), nalusaw ang namumuong sama ng panahon o low pressure area (LPA) sa timog-silangan ng Guigian, Eastern Samar.
Sa kabila nito, magiging maulan pa rin sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na 24-oras dahil sa epekto ng Shear Line.
Makararanas ng mahina hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga probinsya ng Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Mindoro.
Mahina hanggang sa katamtamang ulan naman ang iiral sa Camarines Norte at nalalabing bahagi ng CALABARZON at MIMAROPA.
Ang Metro Manila ay posibleng makaranas din ng pag-ulan at bahagyang pagkulimlim ng papawirin dahil sa umiiral na shear line at localized thunderstorm.
Mas bahagyang maaliwalas ang panahon sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at iba pang bahagi ng Cagayan Valley dahil Northeast Monsoon o hanging amihan lamang ang umiiral dito.
Recent News
With the onset of summer and DOH/PAGASA warnings of dangerous heat indices, PhilHealth reminds the
Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng Outpatient
The Department of Health announced that for the year 2024, all 426 recorded rabies cases
PhilHealth is committed to holistically addressing the healthcare needs of every Filipino. “Nais naming ipaabot
LUISIANA, Laguna – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally inaugurated on Friday, March
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) turned over a Patient Transport Vehicle (PTV) to
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.