MAG-INGAT sa mga sumasalubong sa inyo sa mga mall, lalo na ‘yung mga magaganda’t seksing ahente ng mga produkto.
Disente sila kung titingnan, aakalain mong lehitimo ang kanilang “business.” Kuwidaw, baka madale ng kanilang totoong pakay – mangmodus.
Nakaraang buwan, isang sekyu ang lumapit sa aming tanggapan. Nabudol daw siya ng P70,000 ng isang kumpanya ng appliances sa isang mall sa Mandaluyong.
Sinalubong daw siya ng mga ahenteng naka-mini skirt pa at inanyayahan sa kanilang tanggapan. Ang catch, baka manalo umano ng mga appliances sa kanilang papromo.
Naengganyo naman ang sekyu, sa dami ba naman ng tao sa mall ay siya ang “masuwerteng” mabibigyan ng biyaya ng araw na ‘yun.
Sa loob ng tindahan, malakas ang kanilang tugtugan. Kinuyog daw siya ng mga nagpapalakpakan at masayang mga sales representatives.
Aminado siyang, ibinigay niya ang kaniyang atm card na naglalaman ng kaniyang savings. Kailangan daw kasi ito para marehistro sa kanilang system ang kanilang mga napanalunan.
Ang siste, diretso na palang naiswipe ang kaniyang atm card at naubos ang kaniyang ipon na 70k. Nakamura daw siya sa mga appliances na kung susumahin ay nagkakahalaga ng 200k.
Huli na ng mapagtanto ng sekyu na siya’y namodus, nabudol. Sinubukan niyang makiusap sa kumpanya na ibabalik niya ang mga appliances para mabalik ang kaniyang pera.
Tinanggihan siya ng mga ito kaya’t napadpad siya sa tanggapan ng BITAG.
Itong lintek na modus na ‘to, hindi na bago sa BITAG. Ilang kumpanya na ang trinabaho namin kung saan aktuwal na naidokumento ng mga BITAG undercover ang pamamaraan ng modus.
Marami sa aming trinabaho – pinasara ng mga otoridad at lokal na pamahaalan dahil napatunayan ang kanilang panloloko.
Nagtatago ‘tong mga dorobong kumpanya na ‘to sa mga legal na dokumento ng kanilang negosyo. Business permit, mga clearance mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno – subalit ang kanilang pamamaraan na may halong panloloko, nakatago.
Sa kasong ito ng sekyu, natunugan ng mga empleyado ba tinatrabaho na sila ng BITAG. Sa unang undercover operation pa lang namin, iwas at mailap na ang mga kumag.
Hindi man sila tuluyang nahulog sa aming patibong, good news naman ito para sa nagrereklamo dahil matapos maipalabas ang kaniyang sumbong – agad ibinalik ang kaniyang pera.
Hindi kami anti-business, subalit kung may mga elemento ng panloloko, panggagantso o panga-abuso na maglalagay sa kapahamakan sa ating mga kababayan – mapapasara kayo sa tulong ng ating mga otoridad.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.