Anim katao ang kumpirmadong patay kabilang ang tatlong paslit sa naganap na sunog sa Arlegui Street sa Quiapo, Maynila, dalawang araw bago ang salubong sa Bagong Taon.
Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang residential house bandang alas-2:34 kaninang madaling araw, Dec. 29.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito idineklarang fire under control dakong alas-4:15 ng umaga.
Dahil may kakiputan ang eskinita bago marating ang nasusunog na bahay, tuluyan lamang naapula ang sunog bandang alas-8:10 ng umaga ayon sa BFP.
Unang nakuha ang labi ng dalawang biktima at sumunod ang apat na bangkay kabilang ang tatlong bata na tinatayang nasa edad pito hanggang labindalawa.
Sa inisyal na ulat ng BFP, mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga kabahayan na natupok ng apoy.
Pitong bahay ang naabo sa sunog at hindi bababa sa apat katao ang sugatan.
Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang naging sanhi ng sunog.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.