Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa posibleng hawaan ng Covid-19 ngayong papalapit ang salubong sa Bagong Taon.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, bukod sa social gatherings o pagsasama-sama ng mga magkaka-anak, malaking factor din sa hawaan ng Covid-19 ang pasa-pasang paggamit ng “torotot” o ang party horns na ginagamit pampaingay sa New Year.
Payo ni Vergeire, siguraduhing may kanya-kanyang torotot at huwag manghiram kung kani-kanino ng gamit.
Dahil isinusubo sa bunganga ang entrada ng torotot, mas malaki aniya ang tsansa na mailipat ang virus sa ibang tao sa pamamagitan ng ‘droplets’ o laway ng gumamit nito.
Dahil nabubuhay ng matagal ang virus sa saliva o droplets, mas madali itong kumalat sa ibang tao lalo na kung direct contact ang pagsubo sa torotot.
“Siguraduhin po natin na hindi nagpapasa-pasa at naghihiraman (ng torotot) lalo na po ang ating mga anak dahil maaari po tayong magkaroon ng hawaan pag ginawa natin ‘yan,” babala ni Vergeire sa press conference ng DOH.
Hinikayat din ni Vergeire ang mga gumagamit ng torotot na gamitin ito sa open space at huwag sa saradong kuwarto o lugar.
Kahit hindi umano isubo ang torotot na ginamit ng ibang tao, kapag hinipan ito ng may Covid-19 ay ibinubuga nito sa bunganga ang virus at pwedeng tangayin ng hangin at magpalipat-lipat sa ibang lugar o tao, lalo na kung kulob ang pwesto.
“Kung sakali pong gagamit tayo ng torotot, dapat po sa open space. ‘Wag po tayo dun sa mga enclosed space para po maiwasan natin ang pagkakaroon ng impeksyon ng bawat isa,” wika ng opisyal.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.