Pinatunayan ni Kristopher Reyes na kaya niyang maging all-around alang-alang sa kanyang pamilya.
Magluto, mag-aalaga ng mga anak, maglinis ng bahay at maglaba, sa madaling salita ang maging isang househusband.
Ito napagdesisyunan nilang mag-asawa noong nagsisimula pa lang silang bumuo ng pamilya.
“My wife siya yung backbone ko eh, siya yung wind beneath my wings, siya yung may stable job permanent, (yung) pangmatagalan.”
Sa “Totoo” segment ng Bitag Live, nag baliktanaw si Kristopher sa mga naging tungkulin niya bilang househusband.
Masaya niyang kinuwento ang kanyang mga mga pinagdaanan.
“Bilang househusband nilunok ko yung pride ng pagiging haligi ng tahanan. Dito sa area namin ako yung nagsimulang maglaba sa harap ng mga lalaki, (ang nakakatuwa), after a year marami na din mga lalaki ang naglalaba.”
Nang magsipag-lakihan na daw ang kanilang mga anak, unti-unti nang sumubok si Kristopher ng ibat ibang klaseng trabaho upang matulungan ang kanyang misis na si Ida.
Nagtayo siya ng carinderia, nag mekaniko, electrician, at naging TNVS driver at ngayon mahigit tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa isang BPO company sa San Mateo Rizal bilang isang call center agent.
“In relation sa work na mga pinagdaanan ko, they say I am jack of all trades and master of none. Marami akong alam gawin kahit anong trabaho talaga kaya kong gawin.”
Malaking tulong aniya sa pamilya ang pagkakaroon niya ng regular job dahil nasusuportahan na din niya financially ang kanyang misis.
Subalit, dahil na din stress sa trabaho at hindi maiwasan na pagkain ng mga unhealthy food sa kabila ng kanyang pagiging hypertensive, tuluyan nalagay sa alanganin ang kanyang kalusugan.
“Denial stage pa kasi ako, since vulnerable ako sa ganitong sakit talagang nahilig p din ako sa mga oily foods, pagkain ng mga high cholesterol aside from the fact na nasa lahi namin yung pagiging hypertensive tinuloy ko na pa din yung (bad) habit na yun na naapektuhan na ang health ko.”
Ang pagbabalewala ni Kristopher humatong ng atakihin siya sa puso nito lamang taon.
“Tumakbo agad sa isip ko, God ba’t ganun, kung kelan bata pa ng mga anak ko especially yung wife ko din mag-isa na lang kawawa naman kung mawawala ako.”
Ayon sa isang Adult Cardiologist, hindi dapat binabalewala ang hypertension, kagaya ng nangyari kay Kristopher, maaari itong humantong sa atake sa puso.
Bukod dito, ilan pang mga side effects ng Hypertension ay ang Stroke, Pagkabulag, Heart failure at Kidney failure.
“Kung may nararamdaman na dahil sa altapresyon, maaaring huli na tayo sa paggamot nito, kaya huwag isasawalang bahala kapag mataas ang blood pressure. ‘Pag mataas ang presyon, dapat na kayong magpatingin sa doktor.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.