Patong-patong na kaso at posibleng masibak sa serbisyo ang sinumang tauhan ng Philippine National Police (PNP) na magpapaputok ng baril na walang sapat na dahilan sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ito ang mahigpit na babala ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., isang araw bago ang inaabangang salubong sa Bagong Taon, bukas ng hatinggabi, Disyembre 31.
Ayon kay Azurin, paiiralin nila ang ‘one strike policy’ o mabilisang pagsibak sa mga chief of police at mga nangangasiwa sa istasyon at mga police community precinct na may maitatalang kaso ng indiscriminate firing.
Hindi na ipinatupad ni Azurin ang pag-selyo sa baril ng mga pulis ngayong taon dahil tiwala umano ito sa kanyang kapulisan.
“As PNP members, we should live with our mandate: to protect and save lives at all times…” wika ni Azurin sa panayam ng PTV4.
Sa kabila nito, binalaan nito ang mga pulis na ‘happy trigger’ o mga mahilig magpaputok ng baril na gawin ito sa mga firing range at huwag basta-basta magpaputok sa pampublikong lugar kung hindi kinakailangan.
Tatlong indibidwal na ang iniimbestigahan ng PNP na may kinalaman sa indiscriminate firing noong bisperas at mismong araw ng Pasko; habang isa ang naitalang biktima ng stray bullet o ligaw na bala.
Bukod sa mga pulis, pinaalalahanan din ni Azurin ang mga private gun owners na maging responsable sa paggamit ng baril.
Siniguro ng PNP chief na mananagot sa batas ang sinumang mahuhuling magpapaputok ng baril sa Bagong Taon na walang balidong dahilan.
Recent News
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) welcomed the new year with a generous donation of
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced the early return of its highly
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated a total of 2,000 ChariTimba or food buckets
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today said its revenues hit a new record
A total of 213 residents in San Mateo, Rizal received free medical and dental services
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) and the Armed Forces of the Philippines (AFP)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.