HINDI lahat ng nagsusumbong sa BITAG ay biktima o tama. Eto ang isa sa mga pamantayan ng aming public service program.
May mangilan-ngilan, matapos naming mag-imbestiga ay lumalabas na sila ang pasimuno o dahilan ng problema.
Marami ang nagagalit sa estilo ko kung saan kung sino ‘yung nagrereklamo, sila pa ang kinakagalitan o kinakastigo sa ere.
Mawalang galang sa mga bashers, hindi kami entertainment program para kayo pasayahin, aliwin o ibigay ang inyong gustong mangyayari.
Oo tagapagtanggol ang BITAG ng mga inabuso’t inapi, subalit tumatayo din ang BITAG sa katotohanan.
Kailan lang, isang mag-ina ang nagsumbong sa #ipaBITAGmo. Sila na daw ang sinaktan, sila pa daw ang ipinakulong
Binugbog daw silang mag-ina ni Brgy. Chairman at tanod nito. Isang video ang kanilang ibinigay sa amin kung saan makikita ang komosyon at pagtulak sa matandang ina.
Sa unang tingin at sa video na iyong mapapanood, kakaawaan ang sinapit ng mag-ina. Ang kanilang inirereklamo – makapangyarihan, otoridad ng lipunan.
Subalit sa pagi-imbestiga ng BITAG, lumalabas na ang nagrereklamo ang siyang “troublemaker.”
Mula mismo sa bibig ng nagrereklamo, sinaway sila ng Brgy. Tanod dahil maingay umano silang nagkukuwentuhan sa labas ng kanilang bahay.
Subalit, imbes sundin ang pananaway ay binato umano ng nagrereklamo ang bahay ng tanod sa inis nito. Tumawag ng responde sa Barangay ang tanod gayundin sa mga pulis.
Ang nakitang video ng komosyon ay ang pag-aresto ng mga otoridad sa binata habang unaawat ang kaniyang ina na naipit sa kaguluhan.
Samakatuwid, ginawa ng tanod ang kaniyang trabahong mapanatili ang katahimikan sa kanilang lugar. Subalit hindi nagustuhan ng mga tambay ang estilo ng pagsaway o pagsita nito.
Paalala sa mga nagrereklamo, matalim at matiyaga ang BITAG sa pagkalkal ng mga detalye ng mga sumbong.
Oras na malaman naming itinatago niyo ang ilang impormasyon kung saan kabahagi kayo ng problema – walang sinasanto ang BITAG.
Hindi namin estilo ang mamahiya. Layunin naming ilabas ang katotohanan at matuto ang sinuman na maiwasan o masolusyunan ang isang problema.
Galit kayo sa estilo ko? I don’t care!
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.