Si Wilma, hindi niya tunay na pangalan ay isang guro mula Baras, Rizal ang lumapit sa programa ng Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo.
Gusto niyang isangguni ang kanyang problema sa kaniyang ‘ex-convict’ na ama na kilala sa tawag na “Umbyang”.
January 7, 1991, nasintensiyahan si “Umbyang” sa mga kasong frustrated homicide, homicide, forcible abduction at acts of lasciviousness.
Halos 28 years nakulong ang kaniyang ama sa Iwahig Prison and Penal Farm Sa Puerto Princesa City, Palawan. Nitong July 2019, nakalaya na si “Umbyang”.
Simula ng makalaya, ang anak na si Wilma ang kumupkop kay Umbyang. Sa umpisa ay maayos naman daw ang samahan nilang mag-ama subalit makalipas ang ilang buwan ay unti-unti nang nagbago ang kaniyang ama.
Kapag nakakainom daw ito ay madalas daw siyang murahin at sabihan ng masasakit na salita
Nagwawala at hinahabol din daw si “Wilma” at kanyang asawang na si Ricky ng itak at dos-por-dos.
Pinilit daw intindihin ni “Wilma” ang sitwasyon ng kanyang ama ngunit nagkaroon na siya ng depresyon at trauma sa pakikisama dito.
Ultimo ang barangay ay wala na daw magawa dahil sa kanilang takot kay “umbyang” dahil madalas nitong sabihin na “kaya kong pumatay sanay na ako sa kulungan”
Nais ng BITAG na maunawaan at intindihin ang pagkatao ni umbyang kaya sinikap ng bitag na personal siyang makausap.
Panoorin kung paano inimbestigahan ng bitag ang sumbong na ito. Intindihin ng matuto. Unawain ng mamulat ang kaalaman, sa mga tulad ni “Umbyang.”
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.