HIGIT 600 market vendor sa Tarlac City umano ang apektado ng pagpapasara ng Paliparan-Uptown Public Market.
Ayon sa mga vendors na nagsumbong sa BITAG, malaking perwisyo umano sa kanila ang pagpapasara ng cityhall sa kanilang palengke.
Ang masaklap, tila ayaw daw ng city mayor na bigyan sila ng lisensiya para makapaghanap-buhay muli. Sa hindi nila malamang dahilan, kaya lumapit na sila sa aming programa.
Ang siste, ang nasabing palengke ay pinapatakbo ng isang pribadong kumpanya – hindi ng city hall.
Kabi-kabila ang naging paglabag nito kung saan ang mismong national government – and Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ang nagrekomendang ipasara ito.
Napag-alaman ng BITAG na ilang notices na ang binigay ng cityhall para maitama ang mga naging violation ng palengke. Imbes sumunod, hindi raw naayos ang mga ito – nasisira ang kalikasan sa mga nasabing violations ng palengke.
Ang naipit at naging kawawa, ang mga pobreng vendors.
Depensa ng cityhall, sinubukan nilang kunin ang kooperasyon ng mga apketadong vendors at ilagay sa public market kung saan LGU mismo ang nagpapatakbo.
Karamihan daw ay nakabalik na sa pagtitinda, at ang natirang nagrereklamo – pakawala lamang ng lumalaban pang kumpanya.
Ang kapal ng mukha ng kumpanyang ito, sila na ang maraming paglabag, sila na ang nakakasira ng kalikasan, sila pa ang may apog na kumasa.
Simple lang naman, paalala na rin ito sa mga nais magnegosyo – bawat lokal na pamahalaan ah may itinalagang pamantayan na dapat sundin kapalit ng prebilihiyo ng inyong permit na magnegosyo.
‘Wag niyo sanang gamitin ang mga pobreng vendors para isanggalang sa mga katarantaduhan niyo.
Gusto niyo palang magnegosyo’t kumita ng limpak-limpak na salapi, sumunod kayo sa batas. Dugyot na nga negosyo niyo, lumalaban pa kayo?!
Uploaded sa aming YouTube Channel – BITAG Official ang sumbong na ito para mapanood ng buo ang imbestigasyon ng BITAG.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.