Pumanaw na ang dating lider ng Simbahang Katolika na si Pope Emeritus Benedict XVI sa edad na 95.
Ito ay kinumpirma ngayong araw, Dec. 31, ng Holy See Press Office sa pamamagitan ng official publication web portal ng Vatican na Vatican News.
Ayon sa media office ng Vatican, si Pope Benedict XVI ay nalagutan ng hininga bandang alas-9:34 ng umaga noong Sabado (Vatican time) sa kanyang tinutuluyang tahanan sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican City sa Roma.
Ang Mater Ecclesiae Monastery ang piniling tahanan ng dating Santo Papa buhat nang magretiro ito sa Petrine ministry noong 2013.
“With sorrow, I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 AM in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican. Further information will be provided as soon as possible,” ayon sa abiso ng Vatican.
Mananatili ang mga labi ng dating Santo Papa sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican City hanggang January 2, 2023 para sa mga mga gustong masilayan ito sa huling pagkakataon.
“As of Monday morning, 2 January 2023, the body of the Pope Emeritus will be in Saint Peter’s Basilica so the faithful can bid farewell.“
Kinumpirma rin ng Vatican News na ilang araw nang nakaratay ang dating Santo Papa dahil sa panghihina ng katawan.
Mismong si Pope Francis umano ang nag-anunsyo noong Disyembre 28 na nanghihina na ang katawan ni Pope Benedict XVI dahil sa katandaan.
Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang inilalabas na anunsyo ang Vatican City sa detalye ng funeral service sa dating Santo Papa
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.