Tipikal na masayahing dalaga ang 18-anyos na si Charlotte Anne Lagunzad ng Tatalon, Quezon City.
Tulad ng ibang mga kabataan, marami siyang mga kaibigan at hilig niya ang pagsasayaw.
Subalit isang araw, bigla nalang daw nawalan ng sigla si Charlotte nang makaramdam ito ng lagnat, pag ubo at hindi maipaliwanag na hingal.
Dahil dito, dinala si Charlotte ng kanyang pamilya sa ospital upang ipakonsulta. Dito, napag alaman na siya ay may Rheumatic Heart Disease (RHD).
Iilan daw sa mga dinadaing na mga sintomas ni Charlotte ay paninikip ng dibdib, madaling pagkahapo at pagmamanas.
Hindi nagtagal, unti-unti raw lumalala ang lagay ng dalaga hanggang sa kinailangan na niyang maoperahan sa puso.
“Sobrang hirap po minsan hindi ako nakakahinga. Hirap pong matulog kasi po nagkatubig po ‘yung baga kaya inoperahan din po ako dun kinuha ‘yung tubig,” wika ni Charlotte.
Sa kanyang murang edad, tila agad pinagkaitan mamuhay ng normal si Charlotte. Magmula kasi noon, natigil narin siya sa pag aaral dahil sa kanyang karamdaman.
“Masakit po kasi hindi ko na nagagawa ‘yung dati kong ginagawa, ‘yung makalakad ng maayos, makakain ng maayos, ‘yung gumala po ganun. Kumain ng masasarap,” ani ng dalaga.
Ayon sa isang cardiologist, ang rheumatic heart disease ay ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng pagkipot o pagtagas sa balbula (valve) ng puso na siyang responsable sa maayos na sirkulasyon ng dugo sa katawan.
Ang sakit na ito ay dulot ng rheumatic fever na sanhi ng hindi naagapang impeksiyon sa lalamunan tulad ng tonsilitis.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.