Masipag at madiskarteng tatay ang 73 years old na si Miguel Balangtak mula Quezon City.
Bagama’t hindi nakapagtapos ng pag aaral ay halos lahat raw ng trabaho ay kayang gawin ni tatay Miguel lalong lalo na ang pagkukumpuni ng mga sirang gamit.
Dahil sanay sa pagkukumpuni, si tatay Miguel na raw ang gumawa ng kanilang bahay, inumpisahan niya ito taong 2005. Kahit na nagsisipaglakihan na ang kanyang mga anak, patuloy parin ang kaniyag pag-renovate sa kanilang bahay na ngayon ay nasa 3 floors na.
Pamilya ang kanyang pinaghuhugutan ng inspirasyon kaya raw siya nagsisipag. Lalong lalo na ang pangarap niya na makapagtapos ng pag aaral ang kanyang mga anak.
“Basta ang isip ko noon, ‘di baleng hindi ako makapagtapos basta makatapos tong mga anak ko.Yun naman ang lagi kong sinasabi sa kanila. Kaya nagsikap sila na maka-graduate ng highschool
hanggang kolehiyo,” ani ni Tatay Miguel.
Ngunit kasabay ng pagsisipag ni Tatay Miguel ay siya namang pagkaadik niya sa sigarilyo. Aniya, halos limang kaha ng sigarilyo ang nauubos niya sa loob ng isang araw kapag siya ay nasa trabaho.
Ang pagiging chainsmoker niya ang naging dahilan kung bakit raw siya naospital at na-diagnosed ng sakit na Pneumonia.
“Yung mga nakakasama ko sa trabaho naninigarilyo sila e para bang nahiya rin ako, ayun unti-unting nanigarilyo narin ako nuon hanggang sa nakasama, nagkasakit ako sa baga. Na-ospital ako” wika ni Tatay Miguel.
Labis raw ang hirap na naranasan niya sa sakit na Pneumonia. Kwento pa niya, wala raw humpay na pag-ubo at halos hindi na raw siya makahinga. Makikita rin sa kanyang X-ray na butas butas ang kanyang baga.
Matinding pagsisisi raw ni Tatay Miguel na siya’y naadik sa sigarilyo at siyang naging sanhi ng pagkakaroon niya ng Pneumonia. Nangangako siya sa kaniyang pamilya na aayusin ang sarili at sa tulong ng doktor, maintenance medicines at supplements, magpapatuloy siyang mabuhay at magsusumikap para sa kanila.
Paliwanag ng isang espesyalista, ang pulmonya o pneumonia ay isang impeksyon sa baga kung saan ang baga ay nagkakaroon ng malubhang pamamaga na dala ng virus, bacteria, fungus at mga katulad na mikrobyo.
Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng Pneumonia ay ubo na may plema, mataas na lagnat, panginginig, pagiging matamlay, mananakit ng dibdib at mabilis na pagtibok ng puso. Karaniwang napipigilan ng katawan ang pagkakaroon ng pulmonya ngunit kung mahina ang immune system, ito ay lumalala. Kapag hindi ito naagapan, maaaring magkaroon ng sepsis kung saan lumilipat ang mikrobyo sa dugo at kumakalat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.