Good News ang hatid ng lady guard na si Alexis Cabanillas sa Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo.
Ibinalik na daw sa kanya ang P70,900 na nakuha sa kaniyang atm card na umano’y kabuuang halaga ng mga appliances na kanyang napanalunan.
“Tumawag po sila sa akin, pumunta daw po ako sa branch nila at ire-refund na lang nila yung pera. Buong puso po akong nagpapasalamat kay Sir Ben Tulfo at sa kanyang programang BITAG dahil sa mabilisang aksyon sa aking reklamo” paliwanag ni Alexis.
Si Alexis Cabanillas ay dumulog sa public service program na Bitag Pambansang Sumbungan #ipaBITAGmo matapos raw siyang maloko ng isang kumpanya ng appliances.
Inakala kasi ni Alexis na swerte siya dahil siya ang napili na makatanggap ng mga freebie items mula sa isang appliance center sa loob ng isang mall sa Mandaluyong.
Pinagbigyan niya lamang daw ang imbitasyon ng mga magagandang sales lady na kumuyog sa kanya.
Huli na ng mapagtanto ni Alexis na parte lang ang lahat para mabudol siya’t makuhanan ng P70, 000 na kaniyang savings. Nakalingat lamang daw siya ay agarang naswipe ang kaniyang atm na hiniram daw ng isa sa mga sales representative.
Nabunyag ang estilo ng modus na ito sa BITAG pati ang pamamaraan kung paano nila lansihin ang kanilang target na biktima.
Recent News
A senior citizen from Bicol, accompanied by her daughter, claimed her share of the ₱25,351,115
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.