Daan-daang market vendors mula sa Tarlac City ang dumulog sa public service program ng BITAG, apektado daw sila sa biglaang pagpapasara ng lokal na pamahalaan ng Tarlac sa Paliparan Uptown Public Market.
Ayon sa tagapagsalita ng grupo ng mga tindera na si Josephine Balongay, Oktubre 2022 ipinasara ang palengke sa bisa ng isang closure order na pirmado mismo ng kanilang mayor at ng Department of Natural Resources (DENR) dahil sa problema sa kalinisin o sanitation.
Ang nasabing palengke ay pinaparentahan ng Tarlac City Hall at pinapatakbo ng isang pribadong kumpanya.
Panawagan ng mga market vendors, bigyan daw sila ng pagkakataong maitama ang mga violations upang makapagtinda at makapaghanapbuhay muli ang mga tindera.
Tinawagan ng BITAG ang cityhall ng Tarlac upang makuha ang kanilang depensa, ayon kay Atty. Joselito Castro, City Legal Officer ng Tarlac City sumulat sa kanilang opisina ang DENR upang magpatulong sa pagpapasara ng palengka matapos makitaan ng mga violations.
“Sumulat ang DENR nagpatulong to implement the cease and desist order, aside from violation sa environmental laws wala rin silang business permit since 2019. When they leased the market nakalagay sa kontrata na in their operation of public market, their management will observe local and national laws pertaining to market and sanitation laws.” paliwanag ni Atty. Castro sa BITAG.
Dagdag pa ng LGU, ilang notices na ang kanilang binigay para maitama ang mga naging violation ng palengke ngunit hindi raw sumunod ang pamunuan ng palengke.
Dinepensahan naman ni Mr. Ben Tulfo ang mga apektadong tindera na tila nadamay lang sa palpak na pamamalakad sa palengke.
Panoorin ang buong imbestigasyon ng BITAG sa isyu na ito:
Recent News
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.